Malawakang vote buying dahil sa voters receipt
MANILA, Philippines – Nagbabala si House Committee on Suffrage and Electoral Reforms Chairman Fredenil Castro ng malawakang kaso ng vote buying sa darating na halalan dahil naging desisyon ng Korte Suprema na nag-aatas sa Comelec na mag-isyu ng voters receipt.
Giit ni Castro, kung dati umanong walang resibo ay marami ng insidente ng vote buying, ay tiyak na mas lalo na ngayong meron ng magiging katibayan sa mga ibinotong kandidato ng isang botante.
Ang voters receipt na ito umano ang magsisilbing written contract sa pagitan ng bumibili at nagbebenta ng boto.
Kung hindi man umano ibigay sa botante ang resibo at ipakita lamang sa kanya, nasira pa rin ang confidentiality of vote dahil mayroon paring interbensyon ng ibang tao, sa katauhan ng mga Board of Election Inspector na silang magsisilbing safekeeper ng voters receipt.
Dahil dito kaya hindi pabor at ayaw suportahan ng kongresista ang kautusan ng Korte Suprema.
- Latest