^

Bansa

Mar: Katotohanan kailangan ng Pinoy

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hinahamon ni LP standard bearer Mar Roxas ang katunggaling si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na maging tapat at hayag sa publiko ang kanyang mga gawain alang-alang sa kapakanan ng samba­yanang Pilipino.

Ito ang reaksiyon ni Roxas sa mga dokumentong inilantad ni Sen. Antonio Trillanes tungkol sa P2.4B deposito ni Duterte sa iba’t ibang bangko at iba pang tagong-yamang di nakadeklara sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN).

“Ang mga kababayan natin ngayon ay naghahangad ng katotohanan. Gusto nilang mamauhay ng disente sa isang disenteng Lipunan,” pahayag ni Roxas sa press conference kahapon ng LP sa Quezon city.

Ayon kay Roxas, ang di pagsagot ni Duterte sa mga akusasyon ni Trillanes ay paglabag sa probisyon ng General Waiver on Bank Secrecy na nilagdaan mismo ni Duterte at kanyang running-mate na si Senator Alan Peter Cayetano.

Nilinaw ni Roxas na mismong sa bibig ni Senator Cayetano namutawi ang pangungusap na; “maari kang tumakbo pero di ka pwedeng magtago dahil sa huli ay lilitaw at lilitaw ang katotohanan.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with