^

Bansa

Sa presidentiables 4-way race pa rin!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Magiging mahigpitan nang husto ang labanan sa halalang panguluhan dahil lahat ng apat na nangu­ngunang aspirante ay may tsansang manalo sa Mayo 9, ayon sa pinal na survey na ipinalabas ng Pulso ng Pilipino ng Issues and Advocacy Center nitong Mayo 3, 2016.

Si dating Davao City Mayor Rodrigo Duterte pa rin ang nangunguna para sa presidente sa  rate na 29 percent.

Pumangalawa si Senator Grace Poe, 25 percent; pangatlo si Vice President Jejomar Binay, 23 percent; ikaapat si Secretary Mar Roxas II,  21 percent; at panglima si Sen. Miriam Defensor Santiago, two percent.

Statistically tied sa pa­ngalawang puwesto sina Poe, Binay at Roxas.

Sa Metro Manila, na­nguna sa survey si Poe na merong 30 percent habang pangalawa si Duterte na merong 29 percent.

Nanguna naman si Roxas sa survey sa Visayas region na merong 34 percent habang si Duterte ay nakakuha ng 2 percent. Nangunguna si Duterte sa Mindanao na nakakuha ng 45 percent.

Lumilitaw sa survey ng Pulso ng Pilipino na lahat ng apat na pangunahing kandidatong presidente ay bumalik sa dati nang magsimula ang kampanya.

Sinasabi pa sa survey report na, kahit nangu­nguna si Duterte, meron pa ring tsansang manalo sa halalang pampanguluhan sa Mayo 9 ang ibang aspirante lalo na kung magagawang makapagbigay ng boto ang command vote na kontrolado ng mga political kingpin para sa pinapaboran nilang kandidato at kung ang mga religious organization na may napakaraming miyembro ay boboto bilang isang block para sa kanilang pinaborang kandidato.

Ang survey ay batay sa traditional multistage probability sampling sa 1,800 respondents na mula sa mga rehistradong botante sa mga survey area at sinala ng kanilang sinanay na political LPs (Listening Posts) sa ground at oil spots sa sinaklaw na lugar. Meron itong confidence level na 98 percent at margin of error of plus/minus 2.5 percent.

Sinaklaw din ng survey ang panahon nang magkaroon ng kontrobersiya sa kuwestiyonableng bank deposit ni Duterte. Lumitaw sa huli at pinal na pre-poll Pulso ng Pilipino survey ng Issues and Advocacy Center na bahagyang bumaba ang rating ni Duterte.

Sa pagka-bise presidente, nangunguna pa rin sa survey sa rating na 31 percent si Sen. Bongbong Marcos. Pumangalawa si Rep. Leni Robredo, 25%; Sen. Chiz Escudero, 19%; Sen. Alan Peter Caye­tano, 15%; Sen. Gringo Honasan, 5%; at Antonio Trillanes, 3%.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with