^

Bansa

Patung-patong na kaso sa 5 ex-solons sa pork scam

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iniutos ng Office of the Ombudsman ngayong Huwebes ang pagsasampa ng kaso laban sa limang dating kongresista dahil sa pakikipagsabwatan sa pork barrel scam.

Mahaharap sa kasong graft, malversation at bribery sin Rozzano Rufino Biazon ng Muntinlupa City, Rodolfo Valencia ng Oriental Mindoro, Marc Douglas Cagas IV ng Davao del Sur, Arrel Olaño ng Davao del Norte at Arthur Pingoy Jr. ng South Cotabato.

Bukod sa kanila ay kakasuhan din ang mga opisyal ng Energy Regulatory Board Commission (including Chair Zenaida Ducut), Department of Budget and Management, Technology Resource Center, National Business Corp. at kinatawan ng mga non-governmental organizations (NGO).

Pinagbasehan ng Ombudsman sa pagsasampa ng kaso ang reklamo ng Bureau of Investigation at ng abogadong si Levito Baligod.

Lumabas sa imbestigasyon na ginamit ni Biazon ang kaniyang 2007 Priority Development Assistance Fund (PDAF) na nagkakahalaga ng P3 milyon sa Philippine Social Foundation, Inc. (PSFI) na konektado sa itinuturong mastermind ng pork barrel scam na si Janet Napoles.

Tumanggap umano si Biazon ng P1.95 milyon na “rebates” mula sa PSFI na pinadaan kay Ducut.

Tigatlong counts ng malversation at graft naman ang isasampa kay Valencia sa umano’y maling paggamit ng kaniyang P7-milyon PDAF noong 2007 hanggang 2009.

"Valencia received total commissions, rebates or kickbacks amounting to at least P2.4 million from his PDAF-funded projects in 2008," pahayag ni Ombudsman Conchita Carpio Morales.

Sa salaysay ng mga whistleblowers na sina Benhur Luy, Marina Sula at Merlina Suñas, nakasaad na ang mga inendorsong NGO ni Valencia ay pawang mga dummy livelihood at agricultural projects ni Napoles.

Samantala, tig-dalawang counts naman ng malversation at graft ang kakaharapin ni Cagas sa paggasta ng P11 milyong halaga ng PDAF, habang tigatlong counts ng malversation, graft and direct bribery naman kay Olaño matapos malamang nakatanggap siya umano ng P3.175 milyong  halaga ng kickback mula kay Napoes.

Direct bribery, malversation and graft naman ang kaso nina Pingoy at Ducut. Kumubra umano si Pingoy ng P7.05 milyon mula ina Napoles at Ducut.

Iniutos din ni Morales na ipadala ang kopya ng mga kaso sa Anti-Money Laundering Council para sa posibleng paglabag nila sa Anti-Money Laundering Act.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with