FVR: ‘Kay Leni ako’
MANILA, Philippines – “Suportado ko si Leni Robredo sa pagka pangalawang Pangulo.”
Ito ang binigyang diin ni dating pangulong Fidel V. Ramos at pinasungalingan ang ulat ng isang pahayagan na hindi niya inindorso ang pambato ng Liberal Party (LP) bilang bise presidente sa kanilang pulong noong Lunes.
“Kindly be informed that FVR’s support to Cong. Robredo as a VP candidate was sincerely given, with no expectation of rewards or favors,” nakasaad sa sulat ni Ramos sa editor-in-chief ng Manila Times.
Ayon kay Ramos, ang asawa ni Leni – ang namayapang Interior Secretary Jesse Robredo – ay mabuting kaibigan, walang pagod na tagakampanya at isang modelong local government unit (LGU) official.
Tinawag din ng dating Punong Ehekutibo si Jesse bilang matibay na kakampi ng kanyang administrasyon mula 1992 hanggang 1998.
Nakipagpulong si Robredo kay FVR isang araw bago magsimula ang 90-day campaign period sa tanggapan ng huli sa Makati City.
Sa pulong, ibinahagi ni Ramos ang kanyang karanasan sa kampanya noong 1992 at pinayuhan si Robredo kung paano makukuha ang boto ng taumbayan sa kanyang pagbisita sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
- Latest