^

Bansa

Bubuwagin ni Grace: Contractualization walang katarungan

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nanindigan si Senator Grace Poe na wawakasan ang problema sa “endo” (end of contract) o ‘kontraktuwalisasyon’ sa hanay ng mga manggagawa sakaling mahalal na pangulo ng bansa ngayong Mayo 9.

“Alam mo, naiintindihan ko ang problema mo.

“Hindi ko rin papayagan ‘yan; ang ‘endo’ ay hindi makatarungan…Hindi mo napaplano ang iyong kinabukasan kung alam mong bukas hindi ka nakasisiguro kung may trabaho ka pa,” sagot ni Poe sa katanu­ngan kung ano ang kanyang posisyon at solusyon sa nasabing problema.

Ang tanong ay nanggaling kay Carlos Miguel Francisco, isang ‘contractual worker,’ sa huling serye ng ‘Presidential Debates’ na ginanap sa Pangasinan noong Linggo kung saan masigabong palakpakan ang naging tugon ng mga nanonood sa naging sagot ni Poe.

Aniya pa, ang pag­re­solba sa problema ng kontraktuwalisasyon ang isa sa kanyang uunahin sa kanyang mga unang araw sa puwesto bilang presidente.

“Bigyan natin ng insenti­bo ang mga may-ari ng ne­gosyo. Natatakot sila kasi kapag nawalan ng ‘endo,’ baka bumaba ang kanilang kita.

“Ito ang sasabihin ko: Maipasa natin na mawala ang ‘contractualization’ sisiguruhin ko na bababa ang ‘corporate income tax’ para naman may kikitain kayo,” pagtitiyak naman ni Poe.

Ipinunto pa ni Poe na “hindi makina” ang mga manggagawa “na itatapon na lang kung hindi kaila­ngan…kailangan nating ipa­tupad ang batas na bawal talaga ang ‘contractualization.’”

Una nang sinabi ni Poe na kayang gawin ang kanyang pangako na higit 1.7 milyong trabaho bawat taon upang tugunan ang problema sa kahirapan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with