^

Bansa

Mar kay Poe: Madali mangako sa Mindanao, saan mo kukunin ang pera?

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines— Binatikos ni Liberal Party standard bearer Manuel "Mar" Roxas II ang panukala ni presidential candidate at Sen. Grace Poe na ilalaan ang 30 percent ng national budget sa Mindanao kapag siya ang nanalong pangulo.

Sinabi ni Roxas pagkatapos ng kauna-unahang presidential debates sa Capitol University sa Cagayan de Oro City nitong linggo na tila ay hindi alam ni Poe ang halaga ng kaniyang mga ipinapangako.

"Ang dali mangako ng kung anu-ano. Halimbawa may isa sa kanila na nagsabi na 30 percent ng budget. Alam ba nila kung ano ang sinasabi nila? That's P1 trillion," wika ni Roxas.

"Madali mangako. Mula lupa hanggang langit napapangakuan 'yan. Sabi nga ni Sen. Miriam, magkano 'yan? Saan mo kukunin ang pera?" dagdag niya.

Sa katunayan, aniya, nalutas na ng kasalukuyang administrasyon ang problema sa Mindanao, partikular sa krisis sa kuryente.

"Hindi ba nila alam na nalutas na ang problema ng kuryente sa Mindanao? 2600 megawatts ang kuryente na itatayo dito sa Mindanao sa loob ng susunod na mga buwan," banggit ni Roxas tungkol sa 300-megawatt coal-fired power plant sa Davao.

Sinabi ni Roxas sa debate na huwag dapat bolahin ng iba pang kandidato ang mga botante dahil buhay ng milyung-milyong Pilipino ang nakasalaylay sa resulta ng eleksyon.

“Our countrymen deserves serious, meaningful and doable programs. This is not about tirades or lines. The lives of 100 million Filipinos are at stake here.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with