^

Bansa

FA-50 fighter jets eskort ni PNoy

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ineskortan ng dalawang FA-50 fighter jets si Pangulong Aquino sa pagbalik niya sa bansa mula sa US-ASEAN Summit sa Los Angeles, California kahapon ng umaga.

Bago lumapag sa NAIA ang sinasakyang Philippine Airlines (PR) 001 ng Pangulo ay nagsilbing escort nito ang F-5 fighter jets pagpasok nito sa airspace ng bansa sa may Polilio island, Quezon.

Sinabi naman ni Pres’l Communications Sec. Coloma na walang kinalaman sa tensyon sa Paracel island ang pagpapalipad ng dalawang fighter jets.

Ito ay dahil sa malayo at hindi sakop ng pinag-aagawang teritoryo ng Pilipinas at China ang Paracel island kung saan naglagay ito ng surface to air missile.

Iginiit pa ni Coloma na wala ring kinalaman ito sa mga banta sa buhay ng Pangulo.

“Ito namang ganitong pagsalubong is a common pactice dahil Commander in Chief ang Pangulo and this is also practice in other states na parang nagbibigay pugay at nagbibigay ng escort honors kapag pumapasok na yung kanyang sasakyan sa air space ng ating bansa,” pahayag ni Coloma.

Ikinatuwa naman ni Pangulong Aquino na pinapanood ang kanyang escort habang nasa loob ng eroplano.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with