^

Bansa

Disqualification ni Poe dedesisyunan ngayon ng SET

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaasa si Sen. Grace Poe na magiging patas ang mga miyembro ng Senate Electoral Tribunal (SET) sa pagdedesisyon ngayon (Martes) sa kanyang disqualification case na isinampa ni Rizalito David.

Inamin ni Sen. Poe na kinakabahan siya subalit tiwala pa din siya na magiging patas sa kanilang desisyon ang mga 9-member ng SET sa pagdedesisyon ng mga ito sa kanyang disqualification case.

“Ako’y nagdadasal at umaasa na sanay maging patas lahat yun. Para sa akin, syempre, ikagagalak ko kung sila man ay bomoto pabor sa akin,” wika ni Poe. 

Isinusulong ni Poe sa Senado ang karapatan ng mga foundling na tulad niya. Ina­bandona si Poe ng kanyang biological parents sa isang simbahan sa Iloilo hanggang sa ampunin siya ng mag-asawang Fernando Poe Jr. at Susan Roces.

Idinagdag pa ng mambabatas, nakakaramdam siya ng kaba at nalulungkot pero may lakas ng loob din at naniniwala ito sa tama.

Aniya, nasa kamay ng SET ang pag-interpret ng batas pero naniniwala siyang nasa panig niya ang tama.

Sakaling hindi pabor sa kanya ang maging hatol ng SET ay iaapela niya ito sa proper venue.

Wika pa ni Poe, bagamat wala siyang ikinakatakot ay nagdarasal siya para sa ilang miyembro ng SET na hindi naman niya pinangalanan.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANIYA

FERNANDO POE JR.

GRACE POE

IDINAGDAG

ILOILO

POE

RIZALITO DAVID

SENATE ELECTORAL TRIBUNAL

SUSAN ROCES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with