^

Bansa

Casino isama sa AMLA - Gatchalian

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinaaamyendahan ni Valenzuela Cong. Win Gatchalian ang Anti-Money Laundering Act para maisama ang mga casino sa sakop nito. Ayon kay Gatchalian, long overdue na ang pag-amyenda sa AMLA at dapat lang talaga na maisama ang mga casino at iba pang kahalintulad na negosyo sa mga nagrereport ng kahina-hinalang mga transaksyon sa Anti-Money Laundering Council. Muli namang lumutang ang isyu sa casino kasunod ng mga ulat na merong halos 81 million dollars na laundered funds ang naipasok sa bansa sa pamamagitan ng 3 casinos kabilang ang Solaire, City of Dreams at Midas. Sabi pa ng kongresista, na dati pa niyang sinasabi na sobrang vulnerable ng mga casino sa money-laundering activities kaya dapat mahigpit itong bantayan. Iginiit rin nito ang pangangailangang i-upgrade ang AMLA at gawin ang napapanahong reporma para mas maging compliant sa international standards. Binigyang diin nito ang kahalagahan na mapanatili ng gobyerno ang magandang standing sa international financial system.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with