Comelec ‘di pa makapili ng canvassing venue
MANILA, Philippines – Wala pang desisyon ang Commission on Elections (Comelec) para sa pagdarausan ng canvassing para sa national elections 2016. Sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez, na naghahanap pa rin ang Comelec ng pinakamainam na mungkahi para pagdausan ng canvassing.
Sa mga nakalipas na eleksyon, ginagawa ang canvassing sa Philippine International Convention Center.
Ang Comelec ay nagtitipon bilang National Board of Canvassers para magcanvass ng resulta ng eleksyon sa senatorial at party list race habang ang Kongreso naman ang tumatayong canvassing officials para sa ng presidential at vice-presidential candidates.
Paliwanag ni Jimenez, hindi lamang presyo ng venue ang kanilang ikinukunsidera tulad ng alok ng Manila Hotel para sa tent area.
- Latest