^

Bansa

Singil sa kuryente tataas

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Panibagong pasanin na naman sa mga Pinoy ang pagtataas ng singil sa kuryente simula ngayong buwan.

Inianunsyo kahapon ni Manila Electric Company (Meralco) spokesman Joe Zaldarriaga na magdaragdag sila ng P0.22 kada kilowatt hour (kWh) na singil para sa buwan ng Abril.

Ito’y katumbas ng dagdag na P44 para sa mga residenteng mayroong 200kWh electric consumption kada buwan, P66 naman sa 300 kWh, P88 sa 400 kWh at P110 para sa mga kumukonsumo ng 500 kWh.

Kaugnay nito, pinayuhan ni Zaldarriaga ang mga consumer na maging matalino sa paggamit ng kuryente.

Paliwanag ni Zaldarriaga na talagang tumaas ang demand sa kuryente dahil na rin sa labis na  init ng pana­hon.

Nabatid na nitong Marso, tumaas ng 500 megawatts ang nadagdag sa konsumo ng kuryente.

Bukod dito, inamin ng Meralco na may pressure din na tumaas pa ang singil sa kuryente sa mga susunod na buwan dahil sa mainit na temperatura.

Sa tindi ng init, tinatayang lalo pang tataas ang demand sa kuryente ng 9,365 megawatt sa Mayo 2016, na 4.95% o 440 megawatt na pagtaas mula sa 8,928 megawatt noong Mayo 2015.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with