^

Bansa

‘Wag ipanakot ang ‘No-El’

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Imbes manakot na hindi matutuloy ang eleksiyon sa Mayo sa ilang lugar sa bansa ay dapat gawing lahat ng Comelec ang paraan para matiyak na sabay-sabay na maidaraos ang halalan sa Mayo 9, 2016.

Ayon kay Senate Pre­sident Franklin Drilon, bahagi ng trabaho ng Co­melec na tiyaking matutuloy ang malinis, maayos at credible na eleksiyon sa bansa base na rin sa isinasaad ng Konstitusyon.

Maliwanag aniya sa batas na dapat gawing “simultaneous” o sabay-sabay ang eleksiyon sa lahat ng lugar sa bansa at maari lamang itong ipagpaliban dahil sa mga “exceptional cases”.

Kabilang sa mga sinasabing exceptional cases ang violence, terrorism, pagkawala o pagkasira ng mga election paraphernalia o records, force majeure, at iba pang dahilan na kahalintuald ng mga nabanggit.

“Failure to execute this very mandate is a violation of the Constitution,” ani Drilon.

Sa pahayag ni Co­melec Commissioner Arthur Lim, dahil sa delay ng printing ng mga balota bunsod ng “system incompatibility” maaring hindi matuloy ang eleksiyon sa ilang lugar sa Mayo 9.

Naniniwala naman si Drilon na sapat pa ang oras para sa pag-iimprenta ng mga balota.

Sa halip aniyang palutangin ng Comelec ang pagpaliban ng eleksiyon sa ilang lugar, mas dapat pagtuunan ng pansin ng komisyon ang paghahanap ng solusyon sa problema.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with