^

Bansa

Sandiganbayan naglabas ng hold departure order vs JV Ejercito

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinagbawalan lumabas ng bansa ng Sandiganbayan si Sen. Joseph Victor "JV" Ejercito kaugnay ng kinakaharap niyang kasong graft at technical malversation.

Bukod kay Ejercito, damay din sa kautusan ng anti-graft court ang iba pang kinasuhan na sina dating City Administrator Ranulfo Dacalos, treasurer Rosalinda Marasigan, city attorney Romualdo Delos Santos, city budget officer Lorenza Ching at city engineer Danilo Mercado.

Inireklamo sina Ejercito at ang iba pang dating opisyal ng lungsod ng San Juan dahil sa pagbili ng sub-machine guns sa kabila ng kawalan ng public bidding noong siya pa ang alkalde.

BASAHIN: JV Ejercito kinasuhan ng graft, malversation ng Ombudsman

Lumabas sa imbestigasyon ng Ombudsman na ginamit ni Ejercito ang calamity fund ng lungsod para bumili ng high-powered firearms na nagkakahalaga ng P2.1 milyon.

Itinanggi na ni Ejercito ang kaso laban sa kaniya at iginiit na naaayon sa batas ang pagbili niya ng mga armas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with