^

Bansa

Romualdez umangat sa Pulse Asia

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos batikusin ng MaIacañang ang mga kandidato ng opposition, isa na si senatorial candidate at Leyte Rep. Martin Romualdez sa apat na senatorial aspirant na umangat sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.

Ayon sa Pulse Asia, ang pag-angat ni Romualdez sa survey ay dahil sa pagsentro ng mambabatas sa kanyang adbokasiya na pagbabalik ng “Malasakit” sa Senado habang nakalasap naman ng pagbaba ng 12.1 porsiyento si boxing champ at Sarangani Rep. Manny Pacquiao.

Si Romualdez ay kabilang sa 20 senatorial candidates na umuokupa mula pang-unang puwesto hanggang sa 20.

Base sa pinakahuling survey ng Pulse Asia nitong February 15-20, nakakuha si Romualdez ng +2.9 percent at ito ay aasahang tataas pa sa mga susunod na survey dahil sa kanyang adbokasiyang malasakit.

Sa kasalukuyan ay nakalapit na sa tinatawag na magic 12 at inaasahan na ilang araw na lang ay pormal ng kakatok sa pintuan ng pang 11 o 12 puwesto ang senatorial aspirant na si Romualdez, na inindorso nina Vice President Jejomar “Jojo” Binay, Davao City Mayor Rodrigo “Digong” Duterte at Sen. Miriam Defensor Santiago na kapwa tumatakbo para sa pagka-pangulo.  Maging si dating pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada ay iniindorso rin sa pagka-senador si Romualdez dahil sa plataporma nito at nakapokus sa health, education, agriculture at kahandaan sa mga sakuna.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with