^

Bansa

‘Ate Grace bandwagon’ lumakas pa!

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patuloy ang ‘konsoli­dasyon’ ng mga ‘local government executives’ (LGUs) partikular na sa Metro Manila sa kandidatura ni Sen. Grace Poe matapos “tuldukan” ng Korte Suprema ang mga petisyon laban sa kanya.

Pinakahuling “sumampa” sa ‘Ate Grace bandwagon’ ang mga Aguilar ng Las Piñas City sa pa­ngunguna ni Mayor Vergel Aguilar at asawa nitong si Imelda, sampu ng kanilang mga ‘political leaders’ sa lungsod.

Matatandaan na noong 2004 elections, si Pang. Gloria Macapagal Arroyo ang sinuportahan ng mga Aguilar laban sa ama ng senadora, ang namayapang si Fernando Poe Jr. (FPJ).

Una nang nakuha ni Poe ang suporta ni Manila mayor at dating pangulo, Joseph ‘Erap’ Estrada.

Mas pinaboran ni Erap si Poe kumpara sa kanyang dating ‘running mate’ na si Vice Pres. Jejomar Binay na ang partidong ‘United Nationalist Alliance’ (UNA) ay itinayo ng dalawa noong 2010, kasama si Sen. Juan Ponce Enrile.

Sa “Camanava” (Ca­loocan, Malabon, Navotas at Valenzuela), “full-support” din ang ibibigay kay Poe nina Caloocan congressman at dating mayor, Enrico ‘Recom’ Echiverri, Malabon Rep. Jaye Lacson-Noel at ng buong angkan ng mga Gat­chalian sa Valenzuela City sa pangunguna ni Mayor Rex Gatchalian at Rep. Sherwin Gatchalian.

Ikalawa ang Metro Manila sa may pinakamara­ming botante sa mga re­hiyon sa bansa kung saan mayroon itong higit 6.4 mil­yon rehistradong botante. Nangunguna sa listahan ang Southern Tagalog na mayroong 7.6 milyong botante, batay sa datos ng Commission on Elections.

Sa pahayag, sinabi ng kampo ni Poe na malaking tulong sa kanyang kandidatura ang mga ginawang pag-endorso sa kanya ng mga ‘Metro Manila mayors.’

Inaasahan na rin uma­no ni Poe na “uulitin” niya ang ginawa ni FPJ na muntik nakopo ang lahat ng boto sa NCR. Sa 17 lungsod sa NCR, tanging sa Las Piñas natalo si FPJ.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with