^

Bansa

AMLA amyendahan – de Lima

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nanawagan kahapon si Liberal Party  (LP)  senatorial bet Leila de Lima sa agarang pag-amyenda ng Anti-Money Laundering Act  (AMLA) bunsod na rin sa pagpasok ng US$81 million sa isang sangay ng Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC).

Sinabi ni de Lima, maraming dapat malaman sa pagpasok ng pera na kinuha mula sa Federal Reserve Bank ng New York ng Bank of Bangladesh ay patunay lamang na dapat na pa­lakasin pa ang AMLA.

“This is a serious cause for concern. Des­pite rovisions of the AMLA and regulations of the AMLC already in place, such a huge amount still found its way to what appears to be fictitious accounts opened at the Jupiter Branch of the Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC), without raising any alarm bells from RCBC authorities” sabi pa ni de Lima.

Nakasaad kasi sa AMLA na dapat kapag may malaking pera na pumasok sa isang bank account, kailangang ireport na ito sa Bangko Sentral ng Pilipinas o sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) na hindi nangyari sa RCBC transactions.

Sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee nitong Martes lumabas na nagkulang ang RCBC na magpadala ng alarma sa AMLC at BSP.

Imunungkahi ni de Lima sa AMLC, BSP at kongreso na muling mag-usap at talakayin ang pagkukulang sa batas at kung kailangan na amyen­dahan ang AMLA dapt na gawin agad ito.

Kabilang sa mga nais ni de Lima ay ang pagsama ng mga casino at iba pang mga establi­si­myento sa ilalim ng kontrol ng AMLA.

Hinimok pa nito si RCBC bank manager  Maia Santos-Dequito na isiwalat ang lahat para na rin sa paghangad ng hustisya.

Aniya, sa laki ng halagang naipasok sa RCBC, imposible na si Dequito lamang ang nakakaalam nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with