^

Bansa

P1.5 B intel, confidential funds pinagagamit vs Abu Sayyaf

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ni Sen. Ralph Recto na dapat gamitin ng gobyerno ang nasa P1.5 bilyong intelligence at confidential funds para sa pagdurog sa bandidong Abu Sayyaf.

Ayon kay Recto, dapat gamitin ang malaking bahagi ng P833 milyong intelligence funds ngayong taon para mahanap ang mga lider at miyembro ng Sayyaf bukod pa sa P702 milyong nakalaan para sa “confidential expenses” na nakapaloob sa national budget.

Sinabi ni Recto na puwedeng magamit ang mga nabanggit na pondo para sa intelligence-gathering laban sa teroristang grupo. 

Ipinaliwanag pa ni Recto na karamihan sa intelligence fund ngayong taon ay pinaghahati-hatian ng Department of National Defense--P246 milyon; Philippine National Police--P306 milyon; at Office of the President--P250 milyon.

Ang alokasyon sa DND ay para sa mga major armed services samantalang ang sa OP ay maaring magamit sa intelligence-gathering projects na may kaugnayan sa national security threats.

“In the arsenal of weapons against terror, the intelligence fund is very important. It can also be lethal,” ani Recto.

Anya, ang nangyaring pamumugot ng Abu Sayyaf sa isang Canadian citizen matapos hindi ibigay ang hinihinging ransom ay isang patunay na isang national security threat ang nasabing grupo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with