^

Bansa

Cayetano may solid Visayas, Mindanao?

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa kabila ng gitgitan ng mga presidential frontrunners na sina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Sen. Grace Poe, mabilis din ang pag-angat ni vice presidential bet Sen. Alan Peter Cayetano lalo na sa Mindanao at mga lugar sa Visayas.

Sa pinakabagong survey ng Pulse Asia mula Marso 15-20, 2016 umangat na sa 28% si Cayetano at nanatiling number 1 sa buong Mindanao na lalong nagpatibay ng kanyang pagiging front runner. 

Pumangalawa si Sen. Chiz Escudero na nakakuha ng 20% at panghuli sina Sen. Bongbong Marcos at congresswoman Leni Robredo na pawang may 17% na lamang. Bukod dito nangunguna na rin si Cayetano sa vote rich Central Visayas na kabilang ang mga probinsiya ng Cebu, Bohol at Siquijor na nasa  30%, pangalawa si Robredo 26%, kasunod si Escudero 19%, at Marcos 12%.

Kapansin-pansin din ang pag-angat at pagdomina ni Cayetano sa Davao Region na kung saan siya ay nasa 55% na, kasunod si Marcos 19%, Escudero 12%, Robredo 8%. Kapuna-puna rin na sa Mindanao at Central Visayas na kung saan nangunguna ng malaki si Duterte, nangu­nguna din si Cayetano. 

Kamakailan lang sinabi ni Political Science Prof. Ranjit Rye na ang pagiging front runner ni Duterte ay may malaking positibong  epekto kay Cayetano lalo na sa Mindanao.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with