^

Bansa

Go inalok umano ni Deguito ng P10M para isara ang fake account sa RCBC

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tinanggihan umano ng negosyanteng si  William Go ang alok ni Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC) branch manager Maia Santos-Deguito na isara ang fake bank account na nakapangalan sa kaniya.

"Sabi niya, 'Sir, tulungan mo na lang ako. May P10 million dito. I can give you P10 million basta i-close mo lang ang account,'” pahayag ni Go sa kaniyang panayam sa ABS-CBN News Channel.

“ Nagulat lalo ako kako, 'How can I close my account hindi naman akin 'yan,'" dagdag niya.

Hindi ito kinagat umano ni Go dahil nais niyang malinis ang kaniyang pangalan sa $81-million money laundering scheme.

Aniya malaki na ang epekto sa kaniya ng pagkakadawit sa pagnanakaw ng pera ng central bank ng Bangladesh sa Federal Reserve sa Amerika.

"Ang laki ng kasalanang ginawa niya (Deguito). She even told me, 'Alam na ng head office namin ito,' sabi niya. I was surprised also sinabi niya alam ng head office kaya nasabi ko sa laki ng danyos maski na magkano hindi kasya yan," patuloy ng negosyanteng Chinese.

Kasalukuyang naka-freeze ang bank accounts ni Go habang gumugulong ang imbestigasyon.

Tinatulungan na lamang umano siya ng kaniyang mga kaibigan upang mapasweldo ang kaniyang mga tauhan.

Iginiit niya na ang P20 milyon na nakuha sa kaniyang unauthorized account ay napunta kay Deguito na taliwas naman sa pahayag ni RCBC senior customer relations officer Angela Torres.

Sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni Deguito na siya ang nagkarga ng P20 milyon sa kotseng Lexus ni Go.

Pinabulaanan naman ito ni RCBC Jupiter branch customer service head Romualdo Agarrado at sinabing nakita niya kung paano inilagay ni Deguito ang pera sa kaniyang sasakyan.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng senado.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with