^

Bansa

Duterte-Bagatsing ‘all out war’ kontra droga at kriminalidad sa Maynila

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matagumpay ang isinagawang Proclamation Rally ng grupo ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa kanilang kandidato na si Mayor Rodrigo Duterte, bilang Pangulo ng bansa, kabilang si Manila 5th District Cong. Amado Bagatsing bilang Mayor ng Maynila na ginanap sa Tondo, Maynila nitong Martes ng gabi.

Tinalakay ng bawat isa sa mamamayan ng Maynila ang kanilang mga plataporma kung papalaring manalo bilang presidente at alkalde ng lungsod. Nagkaisa ang pwersa ni Duterte at Bagatsing sa mga programang pang-edukasyon, pang-kabuhayan, at pang-kalusugan na ngayon ay ipinatutupad na ng kongresista sa pamamagitan ng kanyang Kabalikat ng Bayan sa Kaunlaran Foundation (KABAKA).

Bukod rito, ang pagpapa-igting ng kanilang programa kontra sa lumalalang droga at kriminalidad partikular na sa lungsod ng Maynila.

Ayon kina Duterte at Bagatsing, magkatuwang nilang isusulong na maging libre ang serbisyo ng pamahalaan sa mamamayan nito.

Samantala, sinabi rin ni Duterte na kung mananalo siyang Pangulo ng bansa gagamit siya ng ‘kamay na bakal’ sa kung sino man ang magkakamali at lalabag sa batas. Mas lalo’t higit sa lahat sa Maynila, katuwang si Bagatsing “kahit sino pa ang naupong Mayor dito sa Maynila, hindi nakayang sugpuin ang kriminalidad lalo na ang droga na siyang nagiging sanhi ng iba’t ibang krimen”.

Idinagdag pa ni Duterte na umano’y, 92% ng mga barangay sa Metro Manila, apektado ng droga dahil nakapasok na ang Chinese Triad na nagmamay-ari ng malalaking shabu lab sa bansa at protektado ito ng ilang politiko kaya hindi masugpo-sugpo.

Kung kaya’t sakaling maupo sa Malacañang, mag­dedeklara umano siya, national security threat sa droga at kriminalidad. Gagamitin niya ang kapulisan at militar, na bibigyan niya ng insurance, doble ang sahod pati anak iko-covered ang edukasyon, “ang trabaho lang, ubusin lahat ng drug lord at drug pusher. Kung lalaban, shoot to kill ang order. Lahat naaa­yon sa batas...it will be bloody” pahayag ni Duterte.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with