^

Bansa

Kotse vs trak: 3 anak ng pulis kritikal

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Tatlong menor-de-edad na anak ng pulis ang malubhang nasugatan makaraang magsalpukan ang kotse at truck sa kahabaan ng national highway sa Barangay Buenavista, bayan ng Bayombong, Nueva Vizcaya kamakalawa. ?

Ayon sa case investigator na si SPO2 Marzel Goloyugo, nang-agaw ng linya ang Honda Civic (TNM 860) na minamaneho ni PO3 Rodrigo Navarro sa kurbadang highway kaya sumalpok sa kasalubong na truck (ATA 7028) na pag-aari ng Air 21 Inc.?

Si PO3 Navarro ay nakatalaga sa PNP Firearms and Explosives Office (FEO) sa Camp Crame.

Naisugod sa Veteran’s Regional Hospital ang mga anak ni PO3 Navarro na sina Precious Nicole Navarro, 16; Addesa Joy Navarro, 10; at si Rod Ivan Navarro, 6, mga nagtamo ng matinding pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. ?

Ayon kay SPO2 Goloyugo, pauwi sa bayan ng Dupax Del Norte ang mag-aama mula sa bayan ng Bayombong nang maganap ang sakuna.

Isinailalim sa alcoholic breath test si PO3 Navar­ro at driver ng truck na si Andy Bonn Santos, 27, ng Lower Bicutan, Taguig City na pinaniniwalaang kapwa nakainom ng alak.?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with