P19-B El Niño budget pinalalantad
MANILA, Philippines – Hiniling ni Nationalist People’s Coalition (NPC) senatorial candidate Win Gatchalian na ilantad ng gobyerno kung saan nito ginamit ang P19 bilyong alokasyon para sa mga proyekto sa El Niño phenomenon para sa mga magsasakang apektado ng tagtuyot lalo sa Mindanao.
“Our farmers have long been pleading for help but where did this allocation go?” wika pa ni Gatchalian, na kinondena ang marahas na dispersal ng 5,000 magsasaka na nagbarikada sa Cotobato-Davao highway sa Kidapawan City.
Inaprubahan ni Pangulong Aquino noong Disyembre ang paggamit sa P19-B budget para mabawasan ang epekto ng El Niño kabilang dito ang tulong sa mga magsasaka at cash for work program.
“PAGASA has already warned about the development of El Niño way back May 2014 yet the government, until now, has not sufficiently and effectively implemented measures to protect vulnerable sectors, especially our farmers,” sabi ni Gatchalian.
“Medyo huli na nga itong pag-approve ng P19 billion allocation. Pero nasaan na ito kung kailan kailangang-kailangan na?,” giit pa ng NPC senatorial candidate.
Idinagdag pa nito, posibleng maulit ang nangyari sa Kidapawan kung hindi matutugunan ng gobyerno ang karaingan ng mga magsasakang apektado ng El Niño.
- Latest