^

Bansa

Mahihirap lalong maghihirap kay Binay – Roxas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Magiging miserable ang bansa kapag si Bise Presidente Jejomar Binay ang mananalo sa eleksyon sa Mayo 9, ayon sa kaniyang katunggaling si Liberal Party standard bearer Mar Roxas.

Sa pagpapatuloy ng palitan nila ng pambabatikos, umaasa si Roxas na kung mananalo man si Binay ay hindi niya itutuloy ang planong gawing Makati ang buong bansa.

“Vice President Binay, you said you would do to the Philippines what you did in Makati? I hope you don’t. The Philippines will be in a sorry state if you steal from its coffers like what you did in Makati. The poor in the Philippines will become poorer,” pahayag ni Roxas ngayong Biyernes.

BASAHIN: Kampo ni Binay inaasahan na ang mas titinding paninira

Ito ang bala ng LP presidential bet matapos kuwestiyonin ni Binay ang kinahinatnan ng train system sa bansa na hinawakan ni Roxas noong siya ay kalihim pa ng Interior and Local Government.

Humingi rin ng paliwanag si Roxas sa maanomalyang paggasta ng lokal na pamahalaan ng Makati sa pagbili ng hospital bed na nagkakahalaga ng P550,000 isa at sterilizer na P1 milyon ang halaga kada unit.

 “How did it happen? Maybe he should explain,” dagdag ni Roxas.

Kahapon lamang ay pinuna rin ni Roxas ang biglang pagsuporta ni Binay sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program na programa ng gobyerno.

Sa kanilang paghaharap sa kauna-unahang presidential debate sa Cagayan de Oro City ay nabanggit ni Roxas ang dalawang klase ng Makati – ang Makati ng mga Ayala na mayayaman at ang Makati ng mga Binay na mahihirap dahil sa aniya’y katiwalian ng mga namumuno.

Dating kaalyado ng administrasyon si Binay ngunit nag-iba ang kanilang landas nang hindi suportahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang kandidatura ng bise presidente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with