^

Bansa

‘TesdaMan’ nasa winning circle pa rin

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagpasalamat si senatorial candidate Joel “TesdaMan” Villanueva sa patuloy na pagtitiwala ng publiko sa kanyang kakayahan at hindi pa rin siya nawawala sa winning circle sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.

“Nanatiling mahigpit pa rin ang labanan sa top 12, nagpapasalamat ako sa taumbayan dahil sa patuloy nilang pagtitiwala at nanatili pa rin ako sa winning circle. Ang nala­labing araw ng campaign period ay magandang oportunidad upang ipakita ko sa mga botante ang aking plataporma na nakatuon sa kalidad na edukasyon, disente at tuloy-tuloy na trabaho,” wika ni dating TESDA chief Villanueva matapos ang resulta ng pinakahuling Pulse Asia survey na isinagawa nitong March 8-13.

Aniya, tuloy-tuloy lamang ang kampanya upang lalong maipaliwanag sa taumbayan ang kanyang plataporma tungo sa may kalidad na edukasyon para sa lahat at disenteng trabaho.

Sa pinakahuling Pulse Asia survey ay nakakuha si Villanueva ng 29.7 percent kung saan ay nasa 12-13 slots siya.

Magugunita na ilang ulit ginigiba si Villanueva ng mga detractors nito upang malaglag sa winning circle ng senatorial polls subalit nanatili ito sa magic 12.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with