^

Bansa

Bongbong nilaglag si Digong!

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tuluyan nang inilag­lag ni Vice Presidential candidate Sen. Bongbong Marcos si Presidential Candidate Davao City Mayor Rodrigo Duterte at sinabihang maging sensitibo naman ito sa mga biktima ng karahasan matapos na rin ang kontrobesiyal na komento nito sa isang biktima ng rape.

Sa isang panayam kay Marcos, sinabi nito na kinakailangan na maging sensitibo si Duterte lalo na sa sitwasyon ng mga biktima ng karumal-dumal na krimen, ang naging pahayag umano ng kandidato ay maituturing na “inappropriate”.

Binatikos din ni Marcos at ang katandem nitong si Presidential candidate Sen. Miriam Defensor Santiago si Duterte na hindi umano karapat-dapat sa pagkapangulo dahil sa mga iresponsableng pahayag. Giit pa nito, na galit man o biro ang naging pahayag ni Duterte ukol sa rape victim ay repleksyon kung paano mag-isip ang isang lider.

Una nang nilapitan ni Marcos si Duterte na ma­­ging runningmate nito ngunit ang pinili ng alkalde ay si Sen. Alan Peter Cayetano.

Nagkaroon din ng pagtatalo sa isang debate sina Marcos at Cayetano matapos patutsadahan ito ni Marcos na sa kanya umano ibibigay ni Duterte ang pampanguluhan sakaling mawala ito sa pwesto at hindi kay Cayetano.

Una nang sinabi ni Ca­yetano sa VP debate na solid Duterte ito ‘di gaya ni Marcos na kapag nasa Cavite ay Binay-Bongbong, pag nasa Ilocos naman ay Binay-Poe-Bongbong, kapag nasa Mindanao naman ay Duterte-Bongbong.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with