^

Bansa

Duterte siyasatin sa smuggling – Malacañang

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaiimbestigahan ng Malacañang ang alegasyon na sangkot sa rice smuggling ang pamil­ya ni Davao City Mayor Rod­rigo Duterte matapos itong akusahan ng isang samahan.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, dapat ay siyasating mabuti ang naging alegasyon ng isang Perfecto Tagalog na sangkot mismo ang anak ni Mayor Duterte na si Paolo Duterte at maybahay nito sa rice smuggling.

Wika ni Coloma, ang seryosong alegasyong tulad nito laban sa pamilya ni Duterte ay nararapat lamang suriing mabuti upang hindi mahaluan ng kulay-pulitika.

“Ang mga alegasyon na tulad niyan ay dapat munang siyasatin kung may sapat na batayan,” pahayag ni Coloma.

Inakusahan ni Tagalog ang anak ni Mayor Digong na si Paolo, asawa nitong si January, ang PR strategist ni Duterte na si Lito Banayo na sangkot umano sa smuggling sa Davao.

Tinukoy din ni Tagalog ang pagiging malapit ng umano’y rice smuggler na si Davidson Bangayan alyas David Tan na inim­bestigahan na rin ng Senado.

“Dahil sa mga personaheng may kapwa kaugnayan kay Mayor Duterte at David Tan, sa kasamaang palad, hanggang sa ngayon, nagpapatuloy ang smuggling ng bigas sa Davao, na nagtatago sa mga lehitimong rice trader. Talamak din ang smuggling ng mga electronics, products, canned goods, luxury vehicles, ukay-ukay at kung ano-ano pa,” giit pa ni Tagalog sa isang press conference kamakalawa.

Ang naging basehan ni Tagalog ay ang 2007 report ng Presidential Anti-Smuggling Task Group at NBI, kung saan ay isinang­kot din ang isang Glen Escandor na partner umano ni Paolo nakilala rin sa tawag na Polong.

Tinukoy din ni Tagalog sina Judith at Rose Caballero kung saan ang brokerage firm nito ang ginagamit umano nina Paolo at January sa illegal trade sa National Food Authority (NFA) at Sugar Regulatory Administration sa pamamagitan ng isang Toti Cabaniog bilang facilitator.

“Lumalabas ang chief political strategist ni Duterte na si Lito Banayo na nasasangkot sa mga anomalya sa NFA na dating pinamumunuan nito, ang siyang taga-areglo sa relasyong Duterte at David Tan. Kung inyong matatandaan, nasangkot itong si Banayo sa smuggling ng bigas na lumustay sa pondo ng NFA at nagpabulok sa mga bigas dito,” dagdag pa ni Tagalog.

Dahil sa smuggling ng bigas, labis umano ang paghihirap ngayon ng mga magsasaka sa Davao at kalapit na Kidapawan. 

Nagbabala pa si Tagalog na magiging “smugglers haven” sa bansa ang Davao kung mananalo si Duterte bilang pangulo dahil sa maaaring italaga si Polong bilang komisyoner ng Bureau of Customs.

Idinagdag pa nito na isang uri ng “bluff” lamang ang sinasabi ni Mayor Duterte sa pinagsasabi sa kanyang mga sorties na wawalisin niya ang korapsyon sa pamahalaan. Kung hindi umano niya malinis ang Davao, kinuwestyon nito kung ang buong bansa pa kaya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with