^

Bansa

QC Urban Poor kay Precious: Thank you sa housing program

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Lubos ang naging pa­sasalamat ng mga taga-district 2 sa malawak na housing program ni councilor Precious Hipolito Castelo.

Kahit saang dako ng naturang lokalidad, tanyag ang pangalan ni Precious dahil siya ang may akda ng 54 proyekto ng Community Mortgage Program na pina-kinabangan ng libu-libong mahihirap na pamilya.

Layunin ng CMP na mabigyan ang mga mahihirap na pamilya ng sari-ling lupa at tahanan.

Bukod dito, si Precious din ang nasa likod ng mga disenteng relokasyon  para sa mga pamilya na nakatira sa mga waterways ng siyudad.

Inililikas ang mga pa­milya mula sa kanilang mga peligrosong tahanan sa waterways ngunit kadalasan ay napapadpad sila sa hindi maayos na lilipatan.

Pero sa tulong ni Precious, nagkaroon ang mga apektadong pamilya ng relocation site na tumutugon sa kanilang mga panga-ngailangan tulad ng ligtas na lugar, malapit sa paaralan at pagamutan, at may sapat na pagkukunan ng hanapbuhay at kalakalan.  

Matunog din si Precious sa Commonwealth kung saan matatagpuan ang  National Government Center dahil pinabilis ng konsehala ang pagsasalin ng mga titulo sa pangalan ng mga benipisaryo ng pambansang housing program sa naturang lugar.

Hindi magiging ganap na homeowner ang mga taga-NGC kung hindi maisasalin sa kanilang pa­nga­lan ang titulo ng mga lupa na kinatitirikan ng kanilang tahanan ngunit nakamit nila ito sa tulong ni Precious.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with