^

Bansa

Gatchalian No. 8 sa senatorial race

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Habang papalapit ang ?May 9 elections ay lalung lumalakas ang laban sa Senado ni Valenzuela City Rep. Sherwin “Win” Gatchalian gaya ng ipinakita sa pinakahu­ling survey ng beteranong pollster na si Junie Laylo kung saan No. 8 na ang kanyang ranking.

Sa Laylo survey na isinagawa noong Marso 26-Abril 1, pumasok sa rank 5-9 si Gatchalian na may 35 percent voter preference.

Ang pinakahuling “Laylo” survey ay sumakop sa 79 probinsiya at 40 highly-urbanized cities kasama ang 17 lungsod sa National Capital Region. Umabot sa 3,000 ang respondents na pawang mga registered voters. 

“Accessible education for all” ang pangunahing adbokasiya ni Gatchalian dahil naniniwala ang senatorial candidate ng NPC na ang edukasyon ang mag-aahon sa kahirapan sa marami nating kababayan. Sa madaling salita, mas gaganda ang kinabukasan kung may pinag-aralan ang ating mga kabataan.

Kabilang sa mga panukala ni Gatchalian ang“Free Higher Education Act”. Layunin ng HB 5905 ang 100 percent free tuition sa lahat ng state universities and colleges (SUCs) partikular sa undergraduate at certificate degree. 

Tinatayang 2 milyong estudyante sa may mahigit 100 SUCs ang mabibiyayaan ng panukalang batas ni Gatchalian na kanyang isusulong sakaling palarin siyang maging senador sa 2016 elections.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with