P200M pa isinoli ni Wong
MANILA, Philippines – Nagsoli muli ng P200 milyon ang Eastern Hawaii Leisure Co. ng junket operator na si Kim Wong sa Anti-Money Laundering Council (AMLC).
Kinumpirma ni AMLC executive director Julia Bacay-Abad sa ika-anim na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kahapon na naibigay na sa kanila ni Wong ang P200 million.
Kasalukuyang nasa pangangalaga na rin daw nila ang nasabing halaga.
Matatandaan na nauna nang naibigay ni Wong sa AMLC ang halagang $4.6 million noong Marso 31, at karagdagang P38.280 million noon namang Abril 4.
Ang nasabing mga halaga ay bahagi nang nanakaw na $81 million sa Bangladesh Bank account sa Federal Reserve Bank sa New York.
- Latest