^

Bansa

Deguito humiling ng 1-linggong pahinga sa imbestigasyon

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Humingi ng isang linggong pahinga sa pagdalo sa hearing ng Senado na may kaugnayan sa diumano’y $81milyong money laundering scheme ang dating branch manager ng  Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC) na si Maia Santos-Deguito dahil sa problema umano sa kanyang kalusugan.

Pero sa agenda ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Senator Teofisto Guingona III, isa si Deguito sa mga nagkumpirma na dadalo sa pagdinig ngayong araw ng Martes na magsisimula sa ganap na alas-11 ng umaga.

Nauna rito, nagpalabas ng statement si Atty. Rene Saguisag, na tatayong co-counsel at consultant ni Deguito,  sinabi nito na maaaring hindi makadalo sa pagdinig ang tinanggal na branch manager ng RCBC  dahil sa isyu ng kalusugan.

Inisa-isa rin ni Saguisag ang mga pinagdaanan ni Deguito ka­bi­lang na ang pagpigil na makabiyahe sa Japan kasama ang kanyang asawa at anak, ang paglalagay ng kanyang larawan sa mga pahayagan matapos masangkot sa money laundering; ang pagharap ng dalawang beses sa Senado; at ang pinakahuli ay ang pagkakasibak bilang branch manager ng RCBC sa Jupiter Street, Makati.

Sinabi pa ni Saguisag na lumuluhod na at nagmamakaawa sa Senado si Deguito na payagang hindi makadalo hanggang Abril 4.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with