^

Bansa

Voting hours balak palawigin

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bukas ang Commission on Elections (Come­lec) sa panukalang pa­habain ang oras ng botohan sa May 9, 2016 Elections.

Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, ito ay sakaling kailanganin dahil sa dagdag na oras na gugugulin ng bawat kandidato dahil sa ipatutupad na “on screen verification” feature ng vote counting machine.

Nauna nang nagdesisyon ang Comelec na gawing alas-siyete ng umaga hanggang alas-singko ng hapon ang voting hours sa May 9, mas maikli ng dalawang oras kumpara sa voting hours nuong 2013.

Pero ayon kay Bautista, pag-aaralan nilang mabuti ang nasabing posibilidad dahil mas pabor pa rin sila na tapusin ang vo­ting hours ng alas-singko ng hapon.

Bukod kasi sa pa­ngangasiwa sa aktwal na botohan, marami pang kailangang gawin ang mga miyembro ng Board of Election Inspectors.

Sa ilalim ng Comelec Resolution No. 10071, nagpasya ang Comelec En Banc na payagan ang on-screen verification kung saan bawat botante ay mayroong hanggang 15-segundo para makita sa screen ng VCM ang kanilang mga ibinoto.

Sa tantya ng Comelec, ang karagdagang proseso ay mangangahulugan ng dagdag na dalawang oras at 50 minuto para sa 800 botante kada clustered precinct.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with