^

Bansa

5-day pork holiday ikinasa

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Magsasagawa ng li­mang araw na pork holiday ang mga hog raiser at kaalyadong sektor para iprotesta ang kawalan ng hakbang para masawata ang pagpupuslit ng mga baboy at ibang produktong karne. 

Isang alyansa ng mga hog farmer at meat producer sa buong bansa ang nagsimula nang maghanda para sa limang araw na pork holiday sa Abril para presyurin ang Ma­lakanyang na kumilos para masugpo ang talamak na pork smuggling na nakaapekto sa 80,000 backyard hog raiser.

“Nais naming magpaabot ng malakas na mensahe na kailangan nang mahinto ang technical smuggling ng mga produktong agricultural partikular ng mga baboy,” paliwanag ni Rosendo So, tagapangulo ng Samahang Industriya ng Agrikultura na isang umbrella group ng 33 magsasaka at agri-associations sa buong bansa.

“Tumaas ang smuggling mula noong Set­yembre ng nakaraang taon. Ano ang ginagawa ng Bureau of Customs? Ano ang ginagawa ng Malakanyang? Nawawalan ng mapagkakakitaan ang ating mga backyard farmer,” puna ni So na tagapangulo rin ng Abono Partylist.

Nagbabala si So na, kapag namatay ang backyard industry, magkakaroon ito ng implikasyon sa kaalyadong mga sektor. 

Nagpalabas na ng bu­kas na liham para kay Pa­ngulong Aquino ang al­yansa na pinangungunahan ng Sinag, the Pork Producers Federation of the Philippines Inc. (Pro-pork) at National Federation of Hog Farmers Inc. (NFHFI).

Sinabi ng alyansa na libu-libong backyard hog raiser ang nawawalan ng kabuhayan dahil bukod sa nagpapatuloy ay nagiging talamak na ang smuggling habang tumatagal.

Sa loob ng anim na taon, ang hog inventory sa mga backyard farm ay bumagsak sa 7.9 million ngayong taon mula 9.54 milyon noong 2010. 

Batay anila sa report ng kanilang mga trading partner, may 202 milyong kilo ng baboy ang  ipinuslit sa bansa mula 2010 hanggang kalagitnaan ng nakaraang taon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with