^

Bansa

Balota ililipat na sa Comelec warehouse

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sisimulan na ngayon ng Commission on Elections (Comelec) ang paglilipat ng mga naimprentang official ballot mula sa National Printing Office patungo sa inupahang warehouse ng Comelec sa Marikina City.

Ang pahayag ay ginawa ng Comelec Packing and Shipping Committee kasabay ng paanyaya sa mga accredited political parties, party list organization at mga citizen arms na saksihan ang gagawing paglilipat.

Sa Noah Process and Materials Incorporated na nasa Marcos Highway ang inupahang  warehouse ng Comelec.

Duon muna pansamantalang ilalagak ang mga balota bago ito dalhin sa iba’t ibang mga rehiyon.

Tiniyak din ng Comelec na sapat ang nakalatag na seguridad sa lugar sa layuning maisaayos at magkaroon ng kredibilidad ang halalan sa Mayo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with