^

Bansa

Leni: Requirement sa annulment ng kasal pagaanin

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - “Mahirap na nga at sinasaktan, pahihirapan pa sila ng mahal na psychological test.”

Dahil dito kaya nais ni Liberal Party (LP) vice presidential candidate Leni Robredo na pag-aralan ang proseso sa pagpapawalang-bisa ng kasal upang maging madali sa kababaihan, lalo na sa mga nakararanas ng pag-abuso sa asawa.

Sa ilalim ng Article 36 ng Family Code of the Philip­pines, sinabi ni Robredo na “psychological incapacity” lang ang ta­nging dahilan na pinapayagan ng batas para mapawalang bisa ang kasal.

Para ito’y mapatunayan, ipinaliwanag ni Robredo na kailangang sumailalim ang mag-asawa sa psychological tests na kadalasa’y umaabot sa P100,000.

“Paano na kung walang perang pambayad ang babae para sa psychological test? Ang resulta, magtitiis na lang siyang manatiling kasal sa asawang nana­nakit o nang-aabuso,” wika ni Robredo.

Bago rito, iniakda ni Rob­redo ang House Bill No. 2854 na naglalayong isama ang kalupitan at pananakit sa asawa at anak bilang dahilan ng pagpapawalang bisa ng kasal.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with