^

Bansa

Top lider ng BIFF timbog, anak patay sa raid

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naaresto ang itinuturing na no. 4 leader ng Bangsa­moro Islamic Freedom Fighters (BIFF) habang napatay naman ang anak nitong lalaki nang manlaban sa raid sa hideout ng mga ito sa Brgy. Kalanganan, Cotabato City nitong Martes ng gabi.

Kinilala ni AFP Spokesman Brig. Gen . Restituto Padilla ang suspek na si Hassan Indal alyas Abu Hazam, vice chairman for internal affairs nang Bangsamoro Islamic Freedom Movement at 4th division commander ng BIFF.

Ayon kay Padilla, si Indal ay sangkot sa mga pag-atake sa tropang gobyerno at paghahasik ng terorismo sa Central Mindanao simula ng itatag ang BIFF noong 2010. Ang BIFF ang breakaway group ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Hindi pumalag si Indal nang makorner pero nanlaban ang anak nitong si Alih Indal, isa ring BIFF member na agad kinuha ang nakatagong M16 rifle at pinaputukan ang raiding team na nauwi sa ilang minutong bakbakan na agad nitong ikinasawi.

Narekober naman ng tropa ng militar at pulisya ang isang M653 rifle  na may 10 bala, isang cal. 45 pistol na puno rin ng kargang mga bala at isang fragmentation grenade.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with