^

Bansa

Quiboloy kay Duterte: Hindi ako nagtatampo

Pilipino Star Ngayon
Quiboloy kay Duterte: Hindi ako nagtatampo
Presidential bet Davao City Mayor Rodrigo Duterte blows the candle on a cake presented to him by pastor Apollo Quiboloy (right) of The Kingdom of Jesus Christ in Lingayen, Pangasinan on Sunday. Duterte turned 71 yesterday. CESAR RAMIREZ
CESAR RAMIREZ

MANILA, Phlippines – Pinabulaanan ni Pastor Apollo Quiboloy ngayong Lunes ang mga ulat na masama ang loob niya kay presumptive president at Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Quiboloy sa isang pulong balitaan na naiintindihan niya ang paghahandang ginagawa ni Duterte sa nalalapit na pag-upo niya sa pinakamataas na pwesto ng gobyerno.

"Hindi po ako nagtatampo. Mali po yung word na 'tampo', hindi po ako nagtatampo," pahayag ni Quiboloy na pinuno ng religious group na Kingdom of Jesus Christ the Name Above Every Name.

Ipinatawag ang pulong balitaan matapos sabihin ng kampo ni Quiboloy na nalulungkot ang kanilang pinuno dahil sa tila pag-iisantabi ng kampo ni Duterte sa kaniya.

Sinabi ng tagapagsalita ni Quiboloy na si Mike Abe na ilang malalapit kay Duterte ang humaharang sa kanila na makausap ang alkalde ng Davao.

 “I am sorry. My loyalty to my friend ends where my loyalty to my country begins,” wika ni Duterte sa kat Abe.

Iginiit ni Quibolo na naiintindihan niya si Duterte at buo pa rin ang kaniyang suporta sa kaniya.

Aniya ipinagdarasal niya si Duterte at ang kapakanan ng buong bansa.

Samantala, nanawagan din si Quiboloy sa mga taong lumalapit sa kaniya na direktang iparating na lamang ang kanilang mensahe kay Duterte at huwag nang ipadaan sa kaniya.

"Hindi talaga [kami nagkaka-usap] kasi busy sila at hindi naman ako kasali doon," ani Quiboloy. "Alam natin yung kinalalagyan niya ngayon.”

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with