Duterte kay Quiboloy: Mas pinili ko ang bayan
MANILA, Philippines – Iginiit ni incoming President Rodrigo Duterte na mas pinili niya ang bansa kaysa sa kaibigan bilang sagot sa pagkadismaya ni Pastor Apollo Quiboloy nang hindi siya kinonsulta sa pagpili ng mga miyembro ng gabinete at hindi nakasama sa binuong “core group” ni Duterte.
“Let me be very clear, my friendship with my friends ends when the interest of the country begins. I would as much as possible make you happy if you are my friend, but I will not allow anybody to color my decisions in government. From now on it is always the interest of the people of the Republic of the Philippines that counts, period,” diin ni Duterte sa isang panayam sa After Dark bar sa Davao City.
“Lahat ng suporta sa akin, lahat ng tulong, that’s my statement. I’m sorry,” tahasang pahayag ni Duterte.
Magugunita na inamin ng tagapagsalita ni Quiboloy na sumama ang loob ng pastor dahil hindi napabilang ang huli sa “transition team” at sa pagpili ng gabinete ni Duterte. Aniya, dati 24/7 na nakakausap ni Quiboloy si Duterte sa pamamagitan ni Bong Go. Naging aktibo si Quiboloy sa pangangampanya kay Duterte at ipinahiram pa ang eroplano at chopper nito.
Gayunman, nilinaw ni Duterte na wala siyang kinonsulta sa pagpili niya ng kanyang gabinete kundi sarili niyang pagpili ito.
“Ako lang. I never consulted anybody. I do not consult anybody. Nakikinig ako sa kanila, but I decide. I do not take into consideration friendship,” giit pa ni Duterte.
- Latest