^

Bansa

Poe sa hatol ng SC: Ginusto ito ng Diyos

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa mismong araw ng kababaihan ay nakamtan ni Sen. Grace Poe ang kalayaan sa pagtakbo bilang pangulo para sa eleksyon sa Mayo 9.

Sinabi ni Poe sa harap ng mga kababaihan para sa 105th International Women’s Day sa Liwasang Bonifacio, Manila na tila pinagsabay ng Diyos ang paglalabas ng desisyon ng Korte Suprema pabor sa kaniya sa araw na ito.

 “Siguro talagang ginusto ng Diyos na ang balitang ito ay makarating sa akin at sa atin ngayong araw na ito,” wika ni Poe.

“Ang mga babae ay higit pa sa pambahay lamang marami tayong pwedeng gawin para sa ating lipunan. Gawin po natin ang 2016 bilang taon kung saan nagwagi ang mga kababaihan sa gobyerno,” dagdag niya.

Aniya ang hatol sa kaniya ng mataas na hukuman ay hindi lamang para sa kaniya ngunit para sa lahat ng mga Pilipino at para sa mga ginigipit.

“Ito ay hindi lamang tagumpay ko kundi tagumpay ng ating mga kababayan at higit sa lahat tagumpay ng mga inaapi tagumpay ng mga nahihirapan sa sistema tagumpay ng mga kababaihan,” patuloy niya.

Sa botong 9-6 ay pinaboran ng Korte Suprema si Poe upang mabaligtad ang pagdiskwalipika sa kaniya ng Commission on Elections dahil sa umano’y kuwestiyonableng pagkatao sa pagiging foundling at kakulangan sa 10-year residency requirement.

Samantala, sinabi naman ng kampo ni dating Sen. Fransico “Kit” Tatad na mahina ang desisyon ng mga hukom.

Nakatakda silang maghain ng motion for reconsideration laban sa hatol ng korte.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with