^

Bansa

Pananatili ni Drilon bilang Senate President di pa tiyak

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walang katiyakan na si Senate President Franklin Drilon pa rin ang muling maluluklok na lider ng Senado sa pagpasok ng 17th Congress.

Ayon kay Senator Koko Pimentel na kaalyado ni presumptive president Rodrigo “Rody” Duterte, mas makakabuting hinta­yin na lamang munang maiproklama lahat ng papasok na 12 senador bago masabi kung sino ang posibleng susunod na lider ng Senado.

Bukod kay Pimentel, kilalang malapit rin kay Duterte sa nakaraang kampanya ang running mate nitong si Senator Alan Peter Cayetano na may tatlong taon pang manunungkulan sa Senado.

Nang tanunging kung nakahanda ba si Pimentel na maging presidente ng Senado, sinabi nito na depende kung siya ang mapipili ng kanyang mga kasamahang senador.

Magka-partido rin sa PDP Laban sina Pimentel at si Duterte.

Posible namang maging minorya na sa Senado ang mga mi­yembro ng Liberal Party ni Drilon, 

Ayon naman kay Senator Sonny Angara, nakatitiyak siyang mala­ki ang gagampanang papel nina Pimentel at Cayetano sa papasok na Senado lalo pa’t parehong pinagkakatiwalaan sila ng susunod na presidente ng bansa.

Bagaman at posibleng anim o pito na lamang aniya ang magiging miyembro ng LP sa 17th Congress, tiyak na magkakaroon rin sila ng major role sa pagpili ng susunod ng Senate President.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with