^

Bansa

Piyansa ni Jinggoy ibinasura

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mananatili pa rin sa detention facility ng Camp Crame si Senador Jinggoy Estrada.

Ito ay matapos na ibasura ng Sandiganbayan 5th division ang motion for reconsideration ni Estrada na humihiling na ikunsidera ng korte ang nauna nitong desisyon na nagbabasura sa kanyang hirit na makapagpyansa.

Ayon sa anti-graft court, wala umanong bagong argumento na naihain ang kampo ng senador para baliktarin ang kanilang naunang desisyon.

Giit pa ng korte na ang paulit-ulit na argumento na naglalayon lamang na maidelay ang proceedings ay hindi na ito-tolerate.

Si Estrada ay nahaharap sa kasong plunder at graft kaugnay pa rin ng pork barrel scam.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with