^

Bansa

Benguet mayor kulong ng 18 years

Angie Delfino - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hinatulan ng Sandiganbayan na makulong ng 18 taon dahil sa malversation si dating Bakun mayor Bartolome Sacla, Sr. at municipal treasurer Manuel Bagayao.

Ang kaso ay nag-ugat nang magpalabas ang mga ito ng P5 milyong tseke ng walang kaukulang dokumento.

Bukod sa kulong, ang mga akusado ay hindi na rin pinapayagan na humawak ng anumang posisyon sa gobyerno at pinagmumulta rin ng P5 milyon kada isa.

Hindi naman pinaniwalaan ng korte ang pahayag ni Sacla na ang naipalabas na pondo ay pambayad sa medical supplies ng bayan dahil wala itong naipakitang dokumento na naipamahagi ang naturang supplies.

Ang malversation public funds ay ang paggamit ng pondo ng pamahalaan na hindi naman napakinabangan ng mga benepis­yaryo nito ang proyekto.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with