^

Bansa

AMLC kinasuhan ng money laundering ang Philrem

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inireklamo ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ngayong Huwebes ang mga opisyal ng Philippine Remittance Co. (Philrem) kaugnay ng ninakaw na $81 milyon sa Bangladesh central bank.

Naghain ang AMLC ng joint complaint-affidavit laban kina Salud Bautista, Michael Bautista at Anthony Pelejo dahil sa paglaabg sa Republic Act 9160 o ang Anti-Money Laundering Act of 2001.

Ito na ang ikatlong reklamong inihain sa Department of Justice na may kaugnay sa malaking cyber heist.

BASAHIN: Tax evasion vs Philrem

Unang inireklamo si dating RCBC branch manager Maia Santos-Deguito at apat na iba pa na sinasabing nagmamay-ari ng bank accounts sa RCBC na pinasukan ng ninakaw na pera.

Sunod na kinasuhan ang negosyanteng sina  Kam Sin Wong (Kim Wong) at Weikang Xu. Nakakuha umano si Wong ng $21.6 milyon habang $59.2 milyon naman kay Xu.

Sinimulan na ng DOJ ang preliminary investigation sa dalawang kaso.

Nahaharap din ang Philrem sa kasong tax evasion na isinampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Nalaman kasi ng BIR na hindi rehistradong remittance company ang Philrem kaya namang ibang halaga ng buwis ang kanilang binabayaran.

Aabot ng P35.6 milyon ang utang ng Philrem sa BIR mula 2005 hanggang 2014.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with