^

Bansa

Voter’s receipt ibinasura ng Comelec

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tuluyan nang ibinasura ng Commission on Elections (Comelec) ang planong pag-iimprenta ng voter’s receipt sa panahon ng halalan sa Mayo.

Sa isang resolusyon ng Comelec en banc, iginiit ng komisyon na mala­king oras ang mawawala sa printing ng resibo sa oras ng halalan.

Paliwanag ni Comelec Chairman Andres Bautista, kung ikokonsidera ang mahigit na 54 milyong botante lalong maantala ang proseso ng halalan.

Lumalabas daw sa isinagawa nilang time and motion study na madagdagan ang oras ng pro­seso ng pagboto kung saan hindi pa kasama dito ang oras sa pagbasa ng botante sa buong balota, ang pagtama kung sakaling magkamali pati na ang tagal kung magpapalit ng thermal paper.

Karagdagang gastos din aniya ang mga papel na gagamitin sa resibo.

Maliban dito, maaring magagamit pa ang mga resibo bilang ebidensya sa vote buying.

Sa kabila nito ay pinayagan ng Comelec ang on-screen verification o pag-display ng magiging resulta ng boto ng bawat botante sa vote-counting machines.

Ibig sabihin maari nang ma-verify ng bawat botante kung tama ang resulta ng kanilang binoto sa oras ng halalan.

Ayon sa Comelec nasa 15 seconds ang display sa monitor screen ng bawat botante.

Nabatid na nakabinbin sa Korte Suprema ang petition na mag-isyu ang Comelec ng resibo sa bawat botante na una nang tinanggihan ng komisyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with