^

Bansa

Belgium terror attack: 21 patay, mga Pinoy ligtas

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Binulabog ng magkakasunod na pagsabog ang Brussels sa Belgium na inuugnay sa terorismo sanhi ng pagkasawi ng hindi bababa sa 21 katao at maraming nasugatan kahapon ng umaga.

Sa inisyal na report, dalawang pagsabog ang narinig sa pangunahing Brussels Airport terminal na sinundan ng malakas na pagsabog sa Maelbeek Metro Station na nasa central Brussels malapit sa US Embassy at European Union headquarters.

Bunsod nito, apektado ang mga international flights habang ang naturang istasyon ay agad na isinara sa publiko at inilikas ang mga biktima ng pagsabog.

Maging ang mga pa­sahero sa loob ng paliparan ay agad na pinalabas at iniwan ang kanilang mga bagahe sa sahig at saka pinasakay sa mga bus patungo sa crisis center.

Inilagay na ng Belgium authorities sa “highest terror alert” ang buong lungsod matapos ang sinasabing “suicide attack’ sa kanilang airport at metro station.

Bunsod nito, nakiki­pag-ugnayan na ang Embahada ng Pilipinas sa nasabing bansa upang mabatid kung may Pinoy na kabilang sa mga biktima ng pag-atake.

Sinabi ni Foreign Affairs Spokesman Asec. Charles Jose na kahapon ay wala pa silang natatanggap na ulat mula sa Embahada na may Pinoy na nadamay sa pagsabog.

May 12,000 hanggang 15,000 Pinoy ang nasa Belgium.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with