^

Bansa

Pagnipis ng suplay ng kuryente sinadya raw

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinangangambahan ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na posibleng artipisyal at sinadya ang pagnipis ng reserba sa suplay ng kuryente sa bansa.

Sinabi ni Colmenares, dalawang power plants na, ang 630MW Malaya power plant at 52MW Kala­yaan, na pawang government owned and controlled ay nagkakaproblema na sa pagsusuplay ng kuryente. 

Magugunita na noong tanungin ng Kamara ang Department of Energy (DOE) sa pagdinig nito tungkol sa plano ng ahensiya para masigurong sapat ang suplay ng kuryente ay sinabing pinaghahandaan na nila ito.

Subalit, nitong mga nakalipas na araw ay nagkaroon ng 2 araw na yellow alert at isang red alert habang ang Mindanao ay dumaranas ng 5 oras na rotating brownouts. Hindi pa umano kasama ang usapin na ang 2 sa mga nasirang planta ay pinatatakbo ng gobyerno.

Giniit ni Colmenares na dapat ay matagal nang inayos ang mga ito lalo na noong palapit ang tag-init. 

Hindi anya maaalis na isipin ng marami na sinasadya ito ng gobyerno lalo pa at may sapat na panahon para paghandaan ang El Niño at ang eleksyon.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with