^

Bansa

Duterte kay Binay: Ikaw ang berdugo ng pera ng bayan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sumagot na si Davao City Mayo Rodrigo Duterte sa pambabatikos sa kaniya ni Bise Presidente Jejomar Binay.

Sa harap ng nasa 50,000 taga-suporta niya sa lungsod ng Taguig ay tinawag ni Duterte si Binay na “berdugo ng pera ng bayan” dahil sa umano’y pambubulsa ng pondo ng bayan.

“Ako daw berdugo? Ako daw magiging berdugo? My God, Vice President, ikaw ang berdugo ng pera ng bayan,” pahayag ni Duterte.

BASAHIN: Duterte inungusan na si Poe sa Pulse Asia survey

Nag-ugat ang bansag ni Duterte kay Binay matapos sabihin ng bise presidente na “pambansang berdugo” ang Davao city mayor dahil sa mga paratang na extra judicial killings.

 Dagdag ni Binay na pawang “mga taong mahihirap” ang mga biktima ni Duterte lalo na ang mga bata at kababaihan.

Sinabi ni Duterte na tinuruan siya ng kaniyang mga magulang na huwag magnakaw kaya naman hindi niya aniya magagawa ang mga ginawa ni Binay.

PANOORIN: Natatagong kaputian ni Binay

“Sige tingnan natin. I have been with government for a long time. There is so much money. Do you know why I don’t want to steal? Because I was a prosecutor before I became mayor. I used to be a special prosecutor of the tanod bayan, the body before the Ombudsman. I used to prosecute people all around Mindanao because of embezzlement and malversation,” paliwanag ng alkalde.

“Biro mo kung ako mismo maprosecute, makukulong ako balang araw kasi nagnakaw ako.”

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with