^

Bansa

Leni, Jesse pinagtagpo ng EDSA

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagiging sentimental si Liberal Party Vice tuwing ginugunita ang EDSA People Power I. Hindi niya maiwasan na maalala ang love story nila ng namayapang Interior Secretary Jesse Robredo.

Ito’y dahil nagtagpo sina Leni at Jesse matapos magpasya na pumasok sa serbisyo publiko sa Naga City pagkatapos ng mapayapang rebolusyon.

“Ang love story namin ni Jesse ay produkto ng People Power. Bumalik kami ng Naga ni Jesse para manilbihan,” wika ni Robredo.

Nagbalik si Jesse sa Naga City noong 1986 para manungkulan bilang Program Director ng Bicol River Basin Development Program (BRBDP), kung saan nakilala niya si Leni.

Noon, katatapos lang ni Leni ng kursong economics sa University of the Philippines at nag-a-apply sa una niyang trabaho. Si Jesse rin ang nag-interview at kumuha sa kanya.

“Kaga-graduate ko pa lang sa UP ng Economics, umuwi po ako sa amin para magtrabaho. Iyong pinakauna ko pong boss ay ang aking asawa. Doon po kami nagkakilala,” wika ni Robredo.

Isang taon mula nang unang magkita, ikinasal na sina Jesse at Leni.

Noong 1988, nagwagi si Jesse bilang mayor ng Naga City habang pi­nursige ni Leni ang pa­ngarap na maging abogado.

Natapos niya ang kursong abogasya sa University of Nueva Caceres (UNC) at nakapasa sa Bar Exam noong 1997.

Matapos makapasa sa bar noong 1997, nagtrabaho si Robredo bilang abogado sa Public Attorney’s Office at bilang free legal aid lawyer sa Sentro ng Alternatibong Lingap Pang Legal (SALIGAN), isang non-government organization na nagbibigay ng libreng serbisyong legal sa mahihirap.

Sa halos isang dekada, inubos ni Leni ang oras sa pagbibigay ng libreng serbisyong legal para sa magsasaka, mangingisda, inaabusong kababaihan, urban poor at indigenous peoples.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with