^

Bansa

Mayor Rex lusot sa CA

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Wala nang balakid sa reeleksyon ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian matapos maglabas ng writ of preliminary injunction ang Court of Appeals laban sa Ombudsman at Department of Interior and Local Government (DILG) na nagnanais alisin sa puwesto ang alkalde.

Una nang naglabas ng temporary restraining order ang CA para pigilin ang Ombudsman at DILG na ipatupad ang dismissal order laban kay Gatchalian at anim pang opisyal dahil sa umano’y “grave misconduct” at “gross neglect of duty” kaugnay sa naganap na sunog sa Kentex noong Mayo 13, 2015 na nagresulta sa pagkasawi ng 72 manggagawa.

Sa tatlong pahinang promulgation na ipinalabas noong Mayo 2, pinigil ng CA ang Ombudsman at DILG sa pagpapatupad ng kautusan nitong nagtatanggal kay Gatchalian sa puwesto.

Kinonsidera ng Court of Appeals ang “undue and irreversible injury” na posibleng idulot ng kautusan ng Ombudsman sa kandidatura ni Gatchalian na tumatakbong muli sa pagka-mayor ng Valenzuela City.

Sinabi pa ng CA na, bukod sa negatibong epekto sa mga botante, ganap nitong mapipigilan si Gatchalian sa pagtakong alkalde at, kahit mapatunayang wala siyang kasalanan, lubha nang maikokompromiso ang kanyang kandidatura at reputasyon.

Sinabi pa ng appellate court na ang writ of preliminary injunction ay isang “preventive remedy” na ginagamit ng mga partido sa isang kaso na nangangailangan ng kagyat na aksyon ang hukuman para pangalagaan ang karapatan ng mga respondents habang dinidinig ang kaso.

Sinabi naman ni Gatcha­lian na magandang balita para sa mga residente ng Valenzuela City ang naging resolusyon ng CA dahil na­ngangahulugan itong hindi matitigil ang mga serbisyo at programa ng City Hall at mas mahalaga, magkakaroon ng pagkakataon ang mga botante na makapili ng karapat-dapat na kandidato sa pagka-mayor sa darating na eleksyon sa Mayo 9.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with