^

Bansa

Women’s group solid kay Poe

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pagbibigay-diin sa pagnanais nilang protektahan ang karapatang pantao na nasasaad sa Konstitusyon, nagkaisa ang mga lider kababaihan mula sa iba’t ibang sektor na suportahan ang independyenteng kandidatong presidente na si Sen. Grace Poe.

Sa isang press event sa Quezon City na pinaglunsaran ng “Kababaihan para kay Grace Poe,” sinabi ni dating senator Santanina Rasul na kinakatawan ni Poe ang tipo ng lider na kailangan ng bansa.

“Ang mahabang karanasan ko bilang lingkod bayan ang nagsasabi sa akin na mabuti para sa ating bansa si Sen. Grace. Siya ang kinatawan ng makabagong Pilipina: kitang-kita ang talino, tapat, sinsero at epektibo [bilang lider],” ani Rasul sa Ingles sa isang pahayag na binasa ng kanyang anak na si Fatima Rasul.

Ayon pa kay Rasul na kauna-uhanang Muslim na naging senador, kitang-kita ang pagsuporta ni Poe sa Mindanao, at may pangako pa nga itong ilalaan ang sangkatlo ng pambansang badyet, o P1 trilyon, para sa kaunlaran ng rehiyon.

Isa pang dating senador, si Leticia Ramos-Shahani, ang nagsabing pinili niya si Poe dahil hindi nito papayagan ang sinuman na tapakan ang karapatan ng kababaihan. Nagpahayag din si Shahani ng pagsuporta sa running mate ni Poe na si Sen. Francis Escudero.

“Ako ang pangunahing awtor at isponsor ng Rape bill na nagbigay kahulugan sa panggagahasa bilang krimen laban sa kababaihan at hindi krimen laban sa pagiging malinis. Inabot kami ng 11 taon bago naipasa iyan. Paano nagawang biro ni Duterte ang panggagahasa? Hindi niya alam ang kanyang tungkuling konstitusyunal bilang isang lokal na opisyal ng gobyerno,” ani Sahani na sumuporta rin sa yumaong ama ni Poe na si Fernando Poe Jr. nang tumakbo itong presidente noong 2004.

Ang Gabriela naman, na naglunsad din ng kanilang “Girl Power” (GP), ay nagsabing sinusuportahan ng partylist ang senadora dahil may puso siya sa mga bata at maralitang manggagawa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with